Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anthony masaya sa Air21

MASAYA si Sean Anthony sa kanyang kinalalagyan ngayon sa Air21.

Nakuha ng Express si Anthony mula sa Talk n Text kasama si Eliud Poligrates kapalit ni KG Canaleta at mula noon ay naging maganda ang ipinakita ng Fil-Am forward sa kanyang bagong koponan.

Nagtala si Anthony ng career-high 29 puntos para dalhin ang Express sa 103-100 panalo kontra San Mig sa Game 1 ng semifinals ng PBA Commissioner’s Cup noong isang gabi.

Malaki rin ang papel ni Anthony sa kampanya ng Air21 sa quarterfinals kung saan pinabagsak ng Express ang San Miguel Beer.

“My teammates gave me open looks and I took advantage,” wika ni Anthony na naisalpak ang limang tres sa laro kontra Mixers. “We played selflessly.”

Idinagdag ni Anthony na ang Air21 ngayon ay pareho sa kanyang dating koponang Powerade na nakapasok sa finals ng PBA Philippine Cup noong 2011  pagkatapos na talunin nito ang B Meg sa quarterfinals at Rain or Shine sa semifinals.

“That Powerade team also played hard and selflessly,” ani Anthony na hindi naglaro kaagad  ngayong torneo dahil sa kanyang pilay sa kanang kamay. “The heartbreaking losses we suffered against Meralco and San Miguel were a motivation for us to play hard in the playoffs.”

Inaasahang muling aarangkada si Anthony sa Game 2 ng serye kontra Mixers mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …