Tuesday , April 23 2024

Sanggol iniwan sa 2 paslit, nalunod (Nanay namalengke)

NAGA CITY – Labis ang pagdadalamhati at pagsisisi ng isang ina nang malunod ang kanyang isang taon gulang sanggol na anak sa Nabua, Camarines Sur kamakalawa.

Ayon sa ulat, nahulog ang biktima sa ilog na malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Santiago.

Napag-alaman, namalengke ang inang si Jennifer Ortega at iniwan sa kanyang 6-anyos at 4-anyos niyang mga anak kasama ng sanggol.

Habang naglalaro ang magkapatid ay nahulog ang sanggol at dumiretso sa ilog hanggang malunod.

Pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung may pagkukulang sa panig ng ina ng sanggol nang iwan lahat ang kanyang maliliit na mga anak.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *