Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kompanya ng sapatos, ‘di na ini-renew ang kontrata ni sikat na aktres dahil sa nakadidiring malagkit na pawis ng paa

Kompanya ng sapatos, ‘di na ini-renew ang kontrata ni sikat na aktres dahil sa nakadidiring malagkit na pawis ng paa

ni Ronnie Carrasco III

ANG pasmadong paa na parang inaagusan ng malagkit na pawis ng isang sikat na aktres ang talaga namang pinandirihan ng isang kompanya na kumuha sa kanya bilang endorser sa brochure nito.

Kuwento ng mismong resident photographer sa shoot ng pictorial, ”Tumatagal tuloy kami dahil once na hinubad na ni (pangalan ng aktres) ‘yung imino-model niyang isang pares ng sapatos, eh, kailangan pang kuskusin ‘yon! Kapag hinubad na niya kasi ‘yon, mamutik-mutik na ‘yung sapatos na aakalain mong ipinanlakad niya ‘yon sa maputik na bukid! Dusa talaga!”

READ MORE:  Kim Rodriguez, gustong sumali sa Binibining Pilipinas o Miss World
READ MORE:  Ate Vi, takbuhan pa rin ng lahat ng mga taga-Batangas

Dagdag pa nito, ”Imagine, ‘yun na ngang itim na sapatos na kakulay ng putik, eh, nagmamarka pa ang putikang pawis ng aktres na ‘yon? Kadiri talaga, to think na sa ganda pala niyang ‘yon at kakinisan ng balat, eh, may itinatago pala siyang dumi sa katawan!”

READ MORE:  Gary, nakalalakad na; Sharon, bumisita

Minabuti ng kompanyang hindi na lang i-renew ang kontrata ng aktres na ‘yon na itago na lang natin sa pangalang Roxanne Minerva.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved