Friday , April 26 2024

Kris, mahal pa rin si James? (Aminadong nanghinayang na nagkahiwalay sila…)

ni  Reggee Bonoan

MAY bagong eksenang nangyari na naman sa Aquino & Abunda Tonight noong Martes ng gabi dahil may bagong kuwento na naman ang isa sa host na si Kris Aquino.

Kinahapunan kasi ng Martes ginanap ang 7th birthday celebration ni Bimby sa Alabang at naroon ang tatay nitong si James Yap.

Ang gandang tingnan nga Ateng Maricris dahil may family picture pa sina James, Kris, Josh, at Bimby at may nakalagay na ‘Yap Family’ na marami tuloy ang nagsabing, ‘sana magkabalikan sila.’

Anyway, ka-join din sa party ang Kris TV team para kunan ng eksklusibo ang party at makapanayam si James sa unang pagkakataon pagkatapos ng ilang taong hindi nila pag-uusap ng dating asawa.

PAGTANGGAP NI JAMES KAY JOSH BILANG ANAK

Tribute nina Kris at James sa anak nilang si Bimby ang dahilan ng sit-down interview pero hindi raw napigilan ng Queen of All Media na hindi maiyak nang makaharap niya ang ex-husband dahil nakita niya ang litratong karga-karga ni James si Joshua noong siyam (9) na taong gulang pa at ngayong 18 na at mas matangkad pa sa basketbolista.

Pahayag ni Kris sa naging takbo ng usapan nila ni James, “aamin ako, ah. I also kept a few pictures. Tiningnan ko ‘yung ang liit pa ni Josh noong pumasok ka sa buhay namin.

“You stepped up for Josh. Hindi naging madali, pero naging mabuti ka sa someone na hindi mo naman kadugo, and never mo siyang trinato na iba sa ‘yo. Pati ‘yung family mo, they were always good to my son.

“Those are the things na nari-realize ko ngayon. Gusto ko lang ipaabot. Kasi for so long, puro galit lang. Nakalimutan ko kung ano dapat ‘yung mga ipagpasalamat ko.

“Looking back, nine years of our lives naman ito.

“For the time we met to everything, parang it’s been nine years. Kung tutuusin, nine years old si Josh noong nakilala mo siya.

“Sobrang naa-appreciate ko na you also opened up your heart to him. I think also with my family, appreciative sila roon.

PAGHINGI NG SORRY SA HEARTACHES NA IBINIGAY

“’Yun ang pino-point out ko kay Bimb na he (James) was able to love your kuya, Bimb, so maybe because we love kuya, and he love kuya, so you should also love him (James).

“I’m very sorry din James sa lahat ng heartaches na ibinigay ko.”

At si James ay humingi rin ng dispensa, “sorry din. Sorry din sa ‘yo kung hindi man ako naging perfect na partner mo. Thank you sa ‘yo dahil natanggap mo pa rin ako ngayon na okay na tayo. Thank you. Love, love, love!”

Kuwento pa ulit ni Kris habang nakikinig ang co-host niyang si Boy Abunda, “I became emotional during our sit-down interview, this was the picture (ipinakitang karga ni James si Josh) seen Sunday night I mentioned that brought back happy memories.

CAN’T FORGET THE LOVE AND ACCEPTANCE

“Like I said in the interview, I will never forget the love and acceptance you gave kuya Josh nine (9) years ago.

“Hindi mo (James) siya (Josh) kadugo, pero dahil minahal mo ang nanay niya, you treated him, like your own. It’s hard to believe, he’s now taller than you.

”Like I assured you, I will encourage them to love, honor and respect you as his father.

“In time, all Bimb’s wounds from witnessing our fight and his mom’s pain will heal. Thank you for not giving-up wanting to be a part of your son’s life.

BIMBY AS KRIS’ BESTFRIEND

“The ‘Kris TV’ episode (ngayong araw) is for Bimb’s episode, hindi naipalabas diyan pero sasabihin ko na nagpasalamat ako ako kay James kasi dahil sa kanya, nabigyan ako ng bestfriend ko. Bimb is my bestfriend, he’s only turning seven (7), but he’s my strength, siya ‘yung katulong ko sa pagpapalaki kay kuya, siya ‘yung nagbibigay lakas sa akin, siya ‘yung umiintindi sa akin.

“Sinabi ko kay James, I would never have had this beautiful gift if you’re not part of my life and I acknowledge also, sabi ko turo ko kay Bimby, respetuhin ka at sa tingin ko ngayon, tama ka, for the rest of our lives mamahalin natin ang isa’t isa dahil sabay nating binuo ang batang ito kung saan man siya pupunta, saan man ako pupunta, sino man ang makakasama natin, nandiyan ‘yun, nagmahalan kami, kaya nga kami nagka-Bimby.

“And it’s a lesson lang sana, so parents out there who are watching us now, na if it doesn’t worked out for both of you, be the bigger person, don’t fight in front of the child, because James and I are paying the price right now.

“Dahil ang dami naming inaayos kay Bimby bilang tao para maging bukas siya at mahalin niya ulit ang tatay niya. If I had (chance) it to do over all again, sana never akong nakipag-away sa tatay niya sa harap niya,” garalgal ang boses na pahayag ni Kris.

JAMES WILL ALWAYS HAVE A PLACE IN KRIS’ HEART

At dahil walang tigil ang pagpatak ng luha ni Kris ay tinanong siya ng diretso ng co-host niyang si kuya Boy kung para saan ang pag-iyak niya dahil mahal pa niya si James o hindi na?

At biglang natawa si Kris sabay sabing, “Boy, mawawalan tayo ng kredibilidad sa audience natin.”

Pero kinulit pa rin siya ni kuya Boy ng, “mabuti na ‘yung klaro.”

Isang minuto ang lumipas bago nakasagot ang Queen of All Media, “there’s a lot of regret, that’s the truth.  Maraming panghihinayang. Nagsisisi ako na noong sana nagpatawad ako, sana nagpatawad ako. But it is what it is and we have moved on.”

“I will repeat it ibinigay ni James Yap sa akin ang isang bagay na no other man gave me. Ibinigay niya ‘yung pangalan niya sa akin.

“Nawala man ‘yon, nabura man ‘yon, mayroon kaming matinding pinagsamahan the fact na at one point in our lives, we loved each other enough.”

At diretsong sabi pa, “pero ‘yung if I love him now? He will always have a place in my heart, but I’m at a point already na mayroon na akong ibang gustong makasama panghabang-buhay.”

Sabay hiwayan ng mga tao sa loob ng studio sa sinabing ito ng Queen of All Media.

At bago mag-off the air ang Aquino & Abunda Tonight ay bumati si Kuya Boy ng, “Bimb if you’re watching, happy birthday” sabay dugtong ni Kris ng, “I love you honey” bagay na umingay na naman sa studio kaya’t dali-dali niyang klinaro.

“Honey is Bimb, utang na loob, ano ba? Si Bimb ‘yun?  Honey is Bimby.  Hindi ko na kaya (tao sa studio), sabihin nila (televiewers), nababaliw ang mga host dito (‘Aquino & Abunda Tonight’).

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *