Thursday , April 25 2024

We’ll see na relasyon nina Lovi at Rocco, we’ve seen na!

ni  RONNIE CARRASCO

KUNG pakikinggan n’yo ang interview kina Lovi Poe at Rocco Nacino, iisipin n’yo na nasa time warp sila who inhabit an ancient world.

Without them confirming it, halatang mayroon na naman silang relasyon. Yet both of them insist, ”No, but we’re exclusively dating.”

Tila sa panahong ito, the phrase “exclusively dating” has come to mean ”oo, may relasyon na kami.” Kung bakit mahirap para kina Lovi at Rocco who are both way past their teenage years na aminin sila na nga is beyond our comprehension.

May paeklay pa si Lovi na, ”We’ll see” pagbalik daw nila buhat sa dalawang linggong bakasyon sa Europe. Take note, their sojourn is not work-related kundi isang personal na biyahe upon the invitation of Lovi’s sister.

We’ll see-we’ll see pa ang hitad, samantalang ‘yung sinasabi niyang ”we’ll see” ay WE’VE SEEN na, ‘no!

Hay, naku, tumigil na sana ang mga nagsusumixteen na magkarelasyong ito, as their pa-cute denial reeks of katsipan!

Ara, pakakasalan na ni Mayor Patrick

BALITANG nagkaroon ng miscarriage si Ara Mina who bore her supposed firstborn by her boyfriend, si Bulacan, Bulacan MayorPatrick Meneses.

Tatlong buwan ang ipinagbubuntis ni Ara, na laking panghihinayang sa nangyari. But the good news is that plano na siyang pakasalan ng ex-dyowa ni Aiko Melendez kung hindi this year ay sa 2015.

The not-so-good news though ay ang suspetsa ni Ara na si Diana Zubiri raw ang posibleng nagkalat na nakunan siya which she (Ara) initially denied when asked by a reporter only to admit later.

Shalala’s movie, maging ‘charot’ lang kaya sa takilya?

DAHIL isang indie film ang launching pad ni Shalala, that means na hindi ito gaanong ginastusan. Therefore, if the movie is low-budget, hindi ito masyadong masakit sa bulsa sa parte ng prodyuser.

Shalala, however, is praying so hard na makatsamba siya. Well, he can only call out to high heavens na katigan nga ng magandang kapalaran ang kanyang pelikula.

Tuloy, we cannot help but recall ‘yung solo movie rin noon niRoderick Paulate na Charot. Like Shalala’s movie, gay-themed din ‘yon with an all-star cast that included Kuya Dick’s best friend in showbiz na si Vilma Santos.

In Shalala’s movie, providing support is his mentor German Moreno. Again, looking back ay nagkaroon din si Kuya Germs ng kanyang solo movie, ang Payaso, which assembled all the major stars in local showbiz.

Sa parehong pelikulang Charot at Payaso, “charot” lang ding tumabo ito sa takilya; hindi rin nakuhang patawanin ng “payaso” ang namuhunang producer (was it also Kuya Germs?).

Nate-tense kami para sa “amphibian” movie ni Shalala, rito nga naman nakasalalay ang lalong pagli-”leapfrog” ng kanyang career bilang “blind item host.”

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *