Thursday , April 18 2024

Mangingisda pinaiiwas sa Ayungin Shoal

PINAYUHAN ng pamunuan ng Northern Luzon Command ang mga mangingisda na iwasan muna ang pangingisda sa bahagi ng Ayungin Shoal upang maiwasan ang tensyon.

Magugunitang nagkaroon ng insidente na ginamitan ng water cannon ng Chinese coast guard ang mangingisdang Filipino.

Ayon kay NOLCOM commanding general Lt. Gen. Gregorio Catapang, iniiwasan lamang nila na magkaroon ulit ng tensyon ang Chinese coast guard at ang tropa ng pamahalaan na nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Aminado si Catapang na mas mayaman sa tinatawag na aquatic resources tulad ng isda ang karagatan ng Ayungin Shoal.

Ngunit inihayag ng heneral na mas malaking problema ang maaaring kaharapin hindi lamang ng mga sundalo kundi pati ng gobyerno kapag nagkaroon uli ng insidente sa nasabing lugar.

About hataw tabloid

Check Also

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

robbery holdap holdap

Sa Siniloan
NEGOSYANTENG MISIS PATAY SA 2 HOLDAPER

ni Roderick Palatino SINILOAN MPS – Patay ang isang ginang habang ang kaanak na tricycle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *