Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Beteranong newscaster Harry Gasser pumanaw na

Beteranong newscaster Harry Gasser pumanaw na

SUMAKABILANG buhay na ang beteranong newscaster na si Harry Gasser sa edad 76 anyos.

Ayon sa anak ni Gasser na si Henry, namatay ang kanyang ama kahapon ng madaling araw dahil sa sakit sa puso na pinalala ng pneumonia.

“He was declared dead at 3:50 a.m. Doctors tried to revive him pero wala na talaga.  Ang nag-trigger talaga sa heart condition niya was iyong pneumonia last December. Napwersa, hindi ma-expectorate ang plema niya, napwersa ang puso niya and iyun na nga po, it led there,” pahayag ni Henry sa panayam.

READ MORE:  80-anyos lola nagbigti sa problema?
READ MORE:  Muslims, Christians emosyonal sa Eid al-Fitr (Sa evacution center sa Iligan City)

Sinabi ng misis ni Harry na si Flora Gasser, natatangi ang mga panahon noong naka-confine ang kanyang mister.

Aniya, handa na ang kanilang pamilya sa pagpanaw ng batikang mamamahayag.

Matatandaan, noong nakaraang Huwebes, isinugod at na-confine si Gasser sa Quezon City Medical Center.

READ MORE:  Rider tigok angkas sugatan sa hit and run

Dadalhin ang labi ni Gasser sa St. Peter’s Chapel sa Commonwealth Avenue, Quezon City at nakatakdang ipa-cremate sa Lunes.

Kilala bilang Newswatch anchor sa RPN 9 si Gasser.

(LANI CUNANAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved