Thursday , April 25 2024

Aiko, willing makasama si Ara if the price is right

ni  Roldan Castro

HINDI pinag-usapan ang TF pero umoo si Aiko Melendez pagkabasa niya ng script ng Asintadona ididirehe ni Luisito (Louie) Lagdameo Ignacio. Kasama ang movie na ito sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival/director’s Showcase Category sa Agosto 2014.

Medyo pumayat na si Aiko nang makita namin sa story conference ng Asintado. Ano ang ginawa niya?

Nagkaroon daw siya ng Diyos sa katawan at kailangang alagaan niya ang temple ni God. Naging conscious daw siya sa mga kinakain niya. ‘Yung dating drinking, labas at gimik,wala na raw.

“No sex! Matagal na! Kaya ang mga aka-akala ninyo na porke nagkikita kami ng lolo (Jomari Yllana) niyo eh, may nangyayari sa amin, wala po,” bulalas ng magaling na aktres.

Buong ningning niyang sinasabi na walang balikang nangyari at kilala niya kung sino ang girlfriend ngayon ni Jom.

“Hindi ko puwedeng sabihin kung sino ‘yun. Papatayin ako niyon (Jom). Hindi niya kasi inaamin ,eh! Sabi niya single siya,” tumatawa niyang pahayag.

Naging maganda lang daw ang relasyon nila ni Jomari at wala nang ‘asiwa’ ‘pag may bonding moment sila kasama ang anak na si Andre at ang dyunankis ni Aiko na si Marthena. Hindi raw nawala ang respeto ni Jomari sa kanya bilang ina ng kanilang anak.

Mas gusto ni Aiko na ‘pag ikinasal siya ulit ay Christian ang mapapangasawa niya at naka-center si Christ. Feeling niya ay mas magkakaintindihan sila dahil iisa ang paniniwala nila.

Anyway, first time ni Aiko na sumabak sa indie kasama sina Gabby Eigenmann, Jake Vargas, Rochelle Pangilinan, Rita de Guzman, Jak Roberto, at Miggs Cuaderno. Excited siya lalo’t nagsimula na sila noong Lunes. Isa sa highlight ng pelikula ay kukunan ni Direk Louie ang Taong Putik festival .

May pressure kay Aiko ang Asintado dahil ‘pag sinabing Cinemalaya ay aktingan ito.

“Nandoon pa sinasabi na  may entry si Ate Guy (Nora Aunor). Siyempre, ‘di ba nakahihiya naman na kapag si Ate Guy, nandoon napakagaling tapos ‘yung susunod na ibang artista ay wala man lang sa kalingkingan niya kaya excited kaming lahat,” deklara pa niya.

Tinanong din si Aiko kung may balak siyang bumalik sa politics. May nag-o-offer na raw sa kanya na tumakbo sa darating na eleksiyon pero next year daw siya magde-decide. ‘Yan daw ang something na ipinagdarasal pa niya. Mas type pa rin niya na bumalik bilang konsehal.

Isa pang isyu ay kung nagkabati na ba sila ni Ara Mina? Matatandaang  nagkaroon sila ng gap dahil kay Jomari Yllana at  sa ngayon  naman ay boyfriend  ni Ara ang alkalde ng Bulacan na si Patrick Meneses, na ex din ni Aiko.

“Walang chance na magkita at walang chance na pag-usapan. Isa sa ipinagdarasal ko na ‘pag meant na mangyari ang isang bagay, mangyayari ‘yun na kailangang ayusin ng ibang padrino. Kami na ang kusang gagawa niyon,” deklara pa niya.

Willing ba siyang magkaroon sila ng project ni Ara?

“If the price is right. Joke,” sabay tawa niya.

Kung magkakatrabaho raw sila ni Ara, magkakaroon ng kulay. Posibleng maibabalik ‘yung mga dating isyu sa kanila na instead na maayos ay magagatungan pa. Kaya dapat daw ay happy naman sila sa TF na matatanggap kung magsasama sila.

Oo nga naman!

About Roldan Castro

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *