Friday , April 19 2024

2 explosive suppliers ng NPA, naaresto

ARESTADO ang dalawa katao na pinaniniwalaang suppliers ng mga pampapasabog sa rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Region XI.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay  ng  pinagsanib  na pwersa ng AFP at NBI Region-XI ang pinaniniwalaang tiangge ng mga pampapasabog sa Poblacion Nabunturan, Compostella Valley kamakalawa at tinatayang nasa P300,000 halaga ng mga sangkap sa paggawa ng pampasabog ang nakompiska ng raiding teams.

Ayon kay Eastern Mindanao Command Public Information Officer Capt. Alberto Caber, nakompiska sa dalawang naarestong suppliers ang 275 kilo ng ammonium nitrate, 1,132 metro ng time fuse, 569 blasting caps, isang drum ng cyanide at tatlong kilo ng mercury chemicals.

Sinabi ni Caber, nasa kustodiya ng NBI-XI ang dalawang naaresto na nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9561 (for selling, manufacturing, prossessing and dealing of explosives).

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *