Thursday , June 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Director, binansagang Mr. Hangin

Director, binansagang Mr. Hangin

ni Alex Brosas

MALAKI pala ang hangin ng baklitang director na ito. Puro siya kayabangan, puro siya pagbibida.

Kapag may gusto siyang ipabiling gamit, asahan mong babanggitin niya ang brand niyon. Kapag gusto niyang ipakuha ang kanyang bag, sasabihin niya, ‘kunin mo nga ang LV ko.”

Ganoon siya palagi, kasiyahan na niya na maipagyabang sa kanyang mga kausap ang mga nabili niyang branded na bagay, ke shoes siya, bag, belt, o kung ano pa.

Sa maraming tao palagi niyang gustong magpasiklab. Gusto niyang ipakita at iparinig sa mga utaw na mayroon siyang branded na mga gamit. Kaya nga ang tawag sa kanya ng production staff ay Mr. Hangin.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top