Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carmina, natensiyon nang magkita sila ni BB Gandanghari

Carmina, natensiyon nang magkita sila ni BB Gandanghari

ni  ROLDAN CASTRO

HAVEY ang kuwento ni Carmina Villarroel sa Buzz ng Bayan na nagkita sila ng ex-husband niyang si Rustom Padilla na ngayon ay BB Gandanghari na sa debut party ni Kathryn Bernardo.

“Alam ko lang na nandoon siya kasi nauna kaming dumating. So, noong dumating sila, ‘yung Padilla family, alam ko na. Nakita ko na sila from afar. Hindi kami nagkakitaan. Nakita ko lang na dumating siya kasama sina Robin and Mariel (Rodriguez).

Aminadong natensiyon si Mina.

“Naupo na ako sa table namin. Guess what? Magkatabi ang table namin,” kuwento niya.

”Na-feel ko ‘yung mga mata nila nasa amin. Bawat galaw ko tinitingnan kung magbabatian ba kami or anong mangyayari.

“Basta kasama ko si Zoren and ‘yung kambal. Basta naupo na lang ako and nate-tense talaga ako. Kunwari wala lang, naka-smile lang ako to death. Kasi kapag ninenerbyos ako, naka-smile lang ako,” sey pa niya.

Ayaw naman daw niyang magnakaw ng eksena dahil party ‘yun ni Kathryn. Naniniwala rin siya na hindi pa oras para magbatian at magkausap sila ni BB. At saka mas gusto ni Carmina na ‘pag nangyari ‘yun ay walang mga kamera.

‘Yun na!

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top