Wednesday , June 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bagong pag-ibig ni Zsa Zsa, suportado ng pamilya Quizon

Bagong pag-ibig ni Zsa Zsa, suportado ng pamilya Quizon

ni  Rommel Placente

KUNG hindi pa kinuha ang reaksiyon ni Epy Quizon tungkol sa balitang may idini-date raw na non-showbiz guy ngayon si Zsa Zsa Padilla, ang live-in partner noon ng yumao niyang amang si Dolphy ay hindi pa niya malalaman ang tungkol dito.

Hindi raw siya aware sa balitang ito tungkol sa singer/actress dahil kadarating lang niya galing Singapore. Pero okey lang naman daw sa kaniya kung sakaling totoo ang balita. Inaasahan na raw naman niya at ng iba pang miyembro ng pamilya nila na posibleng ma-inlove o magkaroon ng bagong pag-ibig si Zsa-Zsa

“Siyempre kung anuman ‘yung buhay niya ngayon, she’s young, she’s beautiful, she’s gorgeous, she’s sexy. You know, she deserves all the happiness in the world. Wherever she’s happy, then the family will be happy for her, ‘di ba?” sabi ni Epy.

Dagdag niya. ”You know, I know how she loved my father. You cannot question how much she loved my father. So ako, kung saan siya masaya, of course we will support her.”

O, ayan Zsa-Zsa kung totoong nakahanap ka na nga ng bagong pag-ibig, wala ka naman palang dapat ikabahala kung aaminin mo ito. Naiintindihan ka naman pala ng pamilya Quizon.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top