Wednesday , June 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mapuno kaya muli ni Daniel ang Smart Araneta?

Mapuno kaya muli ni Daniel ang Smart Araneta?

ni  Ed de Leon

ABA at magkakaroon na naman pala ng concert iyong si Daniel Padilla. Kung sa bagay, noong una ay napuno niya ang Araneta Coliseum, tingnan natin kung kaya pa niyang ulitin iyon. May nagsasabing ang huli niyang pelikula, dahil hindi mo naman masasabing pelikula niya talaga iyon eh, nagkataon nga lang na kasama siya dahil pelikulang iyon ng pamilya nila, ay hindi masyadong naging impressive ang resulta.

May epekto iyan sa publiko. Parang wala rin sa timing dahil katatapos lamang ng kanyang serye sa telebisyon, at iba iyong dating niyong napapanood siya kaysa hindi.

Sugal iyan pero tingnan natin kung makakaya niya ulit iyong kagaya niyong dati.

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top