Thursday , April 25 2024

Nag-akusa kay DepCom. Nepomuceno nasa ‘hot water’

Posibleng makulong at madawit sa kasong libelo si Lamberto Lopez, matapos niyang umatras at akusahan ang isang Customs deputy commissioner na nasa likod ng paninira sa kapwa deputy commissioner na si Jesse Dellosa.

Sa panayam kay Atty. JV Bautista, abogado ng inaakusahang si  Customs deputy commissioner Ariel Nepomuceno, maaaring napuwersa ng ilang grupo si Lopez na iatras ang naisampang kaso laban kay Dellosa at ina-kusahan naman si Nepomuceno upang pagsa-bungin ang dalawa.

Sa isinampang kasong katiwalian ni Lopez laban kay Dellosa sa Tanggapan ng Ombudsman, kinikilan umano ng mga tauhan ni Dellosa si Lopez, upang mabilisang mailabas ang mga kargamentong ipinasok ng kompanya ni Lopez sa bansa.

Una umanong humi-ngi ng P200,000  ang mga tauhan ni Dellosa kay Lopez na siya nitong pinagbigyan. Nagulat na lamang si Lopez nang hingian pa umano siya ng ikalawang bayad o “tara” nina Dellosa kapalit ng pagpapa-labas ng mga kargamento.

Nang umalma sa publiko si Dellosa, agad nagtungo sa Ombudsman si Lopez upang iurong ang kasong katiwalian. Sa kanyang pag-atras, tahasan niyang isinabit ang isang staff ni Nepomuceno na siya umanong nakiusap sa kanya na isampa ang kaso laban kay Dellosa.

Para kay Atty. Bautista, isang imbento at pawang kwentong kutsero lamang ang ginawa ni Lopez at maaari umanong napilitan itong baliktarin ang sitwasyon dahil sa takot.

“Kilala ko nang matagal na panahon si deputy commissioner Ariel Nepomuceno. Siya ay isang opis-yal at maginoo. Wala sa katauhan ni Nepomuceno ang magpakalat ng kasinunga-lingan laban sa kapwa opis-yales, lalo na sa isang da-ting AFP chief of Staff.

“Sa totoo, kabilang si Nepomuceno sa mga grupo ng mga dating militar na naghahangad ng reporma at pagbabago sa gob-yerno. Imposibleng gawin niya ang iniaakusa sa kanya ni Lopez.  Sa totoo lang, walang ebidensya si Lopez laban kay deputy Commissioner Nepomuceno.

“Kwentong kutsero lamang ang sinasabi ni Lopez, gawa-gawa ng kanyang malisyosong pag-iisip,” ani Bautista.

Nauna nang pinabulaanan ni Nepomuceno ang inisyal na mga akusasyong siya ang may pakana upang sirain si Dellosa sa mata ng publiko. Bilang miyembro ng PMA class 1987, may mataas na respeto at pagkilala si Nepomuceno kay Dellosa, na kapwa Mistah at dating pinakamataas na opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“Peer ko at senior officer si deputy commissioner Dellosa. Malaki ang respeto ko sa kanya, bilang opisyal at bilang maginoo. Hindi ko magagawang siraan siya sa publiko sapagkat naniniwala akong kasama ko siya sa mga kilusing may kaugnayan sa pagbabago,” ani Nepomuceno.

(leonard basilio)

 

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *