Friday , April 19 2024

Julia Barretto, member ng samahang NBSB o No Boyfriend Since Birth

ni  Nonie V. Nicasio

AMINADO ang young actress na si Julia Barretto na hindi pa siya nagkaka-boyfriend at miyembro siya ng tinatawag na grupong NBSB o No Boyfriend Since Birth dahil masyado raw siyang abala sa kasalukuyan. Si Julia ang bida sa fantaseryeng Mira Bella na napapanood sa ABS CBN bago mag-TV Patrol.

Ayon sa 17 year old na aktres na hinuhulaang magiging isa sa hottest teen star ng bansa, all out siya at naka-focus nang husto sa kanyang fantaseryeng Mira Bella  na siyang biggest break niya sa showbiz so far at sa kanyang pag-aaral. Kaya hindi raw niya iniisip ngayon ang tungkol sa pagbo-boyfriend. Idinagdag pa ni Julia na masyado pa siyang bata para pumasok sa isang relasyon.

Tinawanan lang niya ang tsismis na nagli-link sa kanya sa Kapamilya young actor na siKhalil Ramos. “He’s my friend and we both know that. Hindi ko kasi talaga iniisip iyong love life. I’m just 17. I’m so young and there’s so many things that I can do,” saad ng anak ninaDennis Padilla at Marjorie Barretto.

Itinanggi rin ni Julia na nagkakamabutihan na sila ni Julian Estrada, anak ni SenatorJinggoy Estrada.

Incidentally, sa pilot episode ng Mira Bella ay nakakuha agad ito ng mataas na rating. Ayon sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Marso 24), agad na nagpakita ng lakas ang seryeng pinagbibidahan nina Julia, Enrique Gil, at Sam Concepcion nang  magtala ito sa national TV rating ng 22%  na higit doble ng nakuhang rating ng katapat nitong programa saGMA-7 na Paraiso Ko’y Ikaw, sa rating na 10% lamang.

Bukod sa ratings, panalo rin ang Mira Bella sa mga social networking site tulad ng Twitter na naging number one worldwide trending topic ang hashtag na #TheStoryOfMirabella.

Sinabi rin ni Julia na magkahalong takot at excitement ang naramdaman niya sa pagsisimula ng kanyang fantaseryemg ito. “Takot, sobrang takot pero sobrang  excited din kasi hindi mo alam kung anong ma-e-expect e,” wika pa ng magandang young star.

Mocha Girls, paiinitin ang Comikera Comedy Bar

KAPAG sinabing Mocha Girls, walang dudang ang papasok agad sa isip mo ay mga seksing babaeng all out magbigay ng kakaibang saya at entertainment. Kaya naman hindi dapat palagpasin ang kanilang Mocha Girls Special sa Comikera Comedy Bar. Mapapanood ito ngayong Linggo, Marso 30 sa ganap na alas-9:00 ng gabi sa nasabing bar na matatagpuan sa #8440 Lecheria, Halang National Highway, Calamba City, Laguna.

Sure na sure na paiinitin nila ang gabi ng mga kalalakihan sa kanilang super-seksing mga outfit at production numbers na guaranteed na magpapa-init nang husto sa mga audience lalo na ang mga barako. Sabi nga, sa sexy costumes pa lang ng Mocha Girls na kadalsan ay sumisilip ang kanilang alindog, tutulo na ang laway ng ma-nonood.

Magpipiyesta na naman ang mga barako sa alindog ng Mocha Girls dahil sa tuwing mayroon silang show, kanilang sinisiguro na isang kakaibang karanasan ang idinudulot nila sa kanilang manonood.

Sa pangunguna ni Mocha Uson na kilala sa pagiging napaka-open pagdating sa kanyang seksuwalidad at sobrang liberated pagdating sa sex, nakilala ang grupong ito dahil sa kanilang mga show na kakaiba at nakakapag-init ng tenga at dibdib lalo na sa mga kalalakihan. Ang iba pang members ng Mocha Girls ay sina Mae Dela Cerna Franz Fainsan, Georgina Knight, Seika Hashizume, at Jho Ann Sotelo.

Tampok din sa Mocha Girls show sa Comikera Comedy Bar sina Atak at Al Arayata. Front-act sina Papu, Blu, Pink, Witney Winston, at si Ms. Nancy Barretto. Tumawag kay Ms.Nancy Ignacio Dimaranan para sa detalye sa: 0939 9036859/09999944579/09175398883.

About hataw tabloid

Check Also

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *