Thursday , April 25 2024

Bulok na relief goods ipinamigay ni Dinky

HINDI pa ‘binibili’ ng Palasyo ang paghuhugas-kamay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nabunyag na nabubulok na relief goods na ipinamudmod sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kailangan hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng DSWD.

“Hintayin po natin ‘yung resulta ng pagtingin ni Secretary Soliman kasi meron po talagang mga instances na hindi naman po idinaraan ‘yung relief goods sa DSWD. In fact, kahit ho ‘yung ibang mga local NGO, minsan sila po talaga ‘yung nagdadala at nagpupunta doon at nagpapamigay.  Pero that being said, hintayin po natin kasi bukas naman po tayo sa magiging resulta ng imbestigasyon nila Secretary Soliman,” ani Valte.

Sa ulat, inuuod na mga pagkain ang tinanggap na relief goods ng mga biktima ni Yolanda sa Barangay Gacao, Palo, Leyte mula sa Municipal Social Welfare and Development Office.

Inamin ni Palo Mayor Remedios Petilla, ina ni Energy Secretary Jericho Petilla, may basbas niya ang dalawang beses na paglilibing sa mga nabulok na relief goods dumpsite sa Barangay San Jose, noong Pebrero.

Ibinulgar ng People Surge Alliance na nagbabayad ng P1,200 si Soliman sa bawat biktima ng Yolanda na lalagda sa testimonyang kontento sila sa relief efforts ng DSWD.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *