Friday , April 19 2024

Dyesebel, reyna ng primetime TV

ni  Maricris Valdez Nicasio

HINDI na kataka-takang tumutok ang publiko sa napakagandang teleserye ng ABS-CBN2 at pinagbibidahan ni Anne Curtis, ang Dyesebel. Bukod kasi sa napakaganda ng pagkakagawa nito, na sa napakagandang lugar ng Coron pa nag-taping, pawang malalaking artista pa ang bida.

Dagdag pa riyan na malakas talaga ang hatak ng Dyesebel sa mga bata at talagang pinagkagastusan para lamang maipalabas na maganda ito.

Kaya naman dahil sa mainit na pagtutok ng sambayan sa unang paglangoy ng pinakamamahal na sirena, nakamit nito ang pagiging reyna ng primetime TV.

Base sa datos ng Kantar Media, pinakapinanood na programa sa Pilipinas ang fantaseryeng pinagbibidahan nina Anne, Gerald Anderson, at Sam Milby taglay ang 32.8% na national TV rating, o halos 15 puntos na lamang kompara sa katapat nitong programa sa GMA na Kambal Sirena (17.9%). Bukod sa TV ratings, wagi rin ang pinakabagong TV adaptation ng obra ni Mars Ravelo sa social networking sites tulad ng Twitter na naging worldwide trending topic ang opisyal na hashtag na #DyesebelAngSimula.

Samantala, tiyak na lalong mapapakapit ang primetime TV viewers sa mas gumagandang kuwento ng bagong Kapamilya serye sa pagsilang ng anak nina Lucia (Dawn Zulueta) at Prinsipe Tino (Albert Martinez) na si Dyesebel. Paano haharapin ni Dyesebel ang kapalaran na itinakda para sa kanya? Mapag-iisa ba niya ang dalawang mundong matagal nang magkaaway?

Huwag palalampasin ang pagpapatuloy ng Dyesebel gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Dyesebel  bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/Dyesebel_TV at Twitter.com/Dyesebel_TV.

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *