Thursday , April 25 2024

Cuya gapos gang nabuwag

 032114 cuya gapos gang

ARESTADO ng mga operatiba ng QCPD-CIDU ang lider ng Cuya robbery (hogtied) group na kinilalang si Jonathan Cuya at apat niyang mga tauhan sa pagsalakay ng mga awtoridad sa Brgy. Barreto, Olongapo City. (ALEX MENDOZA)

NABUWAG ng Quezon City Police District (QCPD) ang Cuya gapos gang makaraan maaresto ang lider at apat na miyembro ng grupo sa operasyon sa beach resort sa Brgy. Barreto, Olongapo City.

Kinilala ni Chief Supt. Richard Albano, QCPD Director, ang naarestong pinuno ng grupo na si Jonathan Cuya, 23, ng 28B Sto. Cristo. St., Balintawak, Quezon City. Kasamang nadakip ang kapatid niyang si Jose Cuya, Jr., 25, businessman.

Kabilang din sa nadakip sina Michael Tolentino, 19, ng Talanay Area B, Batasan Hills, Quezon City; Martin La-lata, 27, pedicab driver, at Rodolfo Lalata, Jr., tricycle driver, kapwa residente ng #13 A Sto. Cristo St., Balintawak, Quezon City.

Ayon kay Albano, nadakip ang mga suspek sa follow-up operation ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni Chief Insp. Rogelio B. Marcelo, makaraan looban ng grupo ang bahay ng isang Jesus Ver sa #48 Seattle St., Brgy. Immaculate Concepcion, Quezon City, noong Marso 17, 2014.

Iginapos ng mga suspek si Ver pati ang siyam niyang mga kasama sa bahay.

Tinatayang P2 mil-yong halaga ng cash, alahas at iba pang mga ka-gamitan ang natangay ng mga suspek mula sa pamilya Ver.

(ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *