Friday , April 19 2024

Anyare sa NBI?

00 Bulabugin JSY

NAKAGUGULAT ang ginawang pagsibak ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa dalawang deputy directors ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sina Deputy Director for Intelligence Services Reynaldo Esmeralda at Deputy Director for Special Investigation Services Ruel Lasala ay kabilang sa mga opisyal ng premier investigating body ng bansa na gumawa ng career sa pamamagitan ng paglutas sa mga kasong hawak nila.

Ilang administrasyon na rin ang kanilang pinagdaanan. Kapwa na rin nag-see-saw ang kanilang karera lalo na si Lasala noong tinaniman ng bomba ang kanyang opisina at namatay ang 19 niyang tauhan.

Kapwa sila contender noon ni Esmeralda para sa pagiging hepe ng NBI – National Capitol Region (NCR).

Lamang daw si Lasala noon kay Esmeralda kaya nang sumabog ang opisina ng una at namatay ang kanyang 19 na tauhan, naindulto ang kanyang karera.

Nakabawi naman si Lasala at sa pagkakataong ito, inabot na nila ni Esmeralda ang pagiging deputy directors.

Kumbaga, kung mayroon sikat na taga-NBI, silang dalawa ‘yun.

Baka nga mas sikat pa sila sa mga naitatalagang director or OIC director ng NBI.

Career wise, ang dalawang ‘mama’ ay malayo pa ang mararating kung karera sa NBI ang pag-uusapan.

Kaya naman nagulat tayo kung bakit bigla na silang ‘SINIBAK’ at iniugnay pa kay P10-billion pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.

May usap-usapan rin na may isang opisyal ng customs ang isinabit ang pangalan nila sa smuggling.

Naimbestigahan ba talaga nang husto? O nakuha lang sa bulong?

Totoo man ito o hindi, tingin natin mayroong sablay sa proseso.

Pwede naman bigyan ng graceful exit ang dalawang mama. Ilagay sa isang ‘floating’ or ‘frozen’ status and eventually ay alukin ng early retirement.

O kaya ilipat sa ibang opisina sa ialim ng Department of Justice (DoJ).

At heto po raw ang ikinasasama ng loob at demoralization ng mga organic personnel sa NBI, ‘aba kung dati ay mga organic ang binibigyan ng promosyon at inilalagay sa pwesto, bigla raw nagdatingan ang mga non-organic personnel and officials.

Kahit isa kang magaling na abogado kung wala ka naman expertise sa crime investigation ay ‘ampaw’ kang lalabas d’yan sa NBI.

SONABAGAN!

Anyare na ba talaga sa NBI, Madam Leila De Lima?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *