Sunday , December 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / PBA may laro na tuwing Lunes

PBA may laro na tuwing Lunes

SIMULA sa Marso 17 ay magkakaroon ng laro ang PBA Commissioner’s Cup tuwing Lunes ng gabi.

Sinabi ng pinuno ng Sports5 na si Chot Reyes na isang laro ang mapapanood sa TV5 tuwing Lunes simula alas-8 ng gabi at ipapalabas na nang live ang dalawang laro sa nasabing istasyon tuwing Sabado simula alas-2:45 ng hapon.

READ MORE:  Si Fajardo pa rin

Dahil dito, pitong laro sa PBA ang ipalalabas na ng TV5 bukod sa tig-dalawang laro tuwing Miyerkoles, Biyernes at Sabado, kasama ang mga laro tuwing Miyerkoles naman sa cable channel na Fox Sports.

READ MORE:  Torre sumisipa sa Zone 3.3

“TV5 and the PBA will continue to give diehard fans and viewers good basketball action,” wika ni Reyes.

Ang pagbabagong ito ay dahil sa mataas na rating ng PBA Philippine Cup sa TV5 lalo na noong semis at finals.

READ MORE:  Hatton: Pahihirapan ni Pacman si Mayweather

Ipalalabas pa rin sa Aksyon TV 41 ang unang laro ng PBA nang live kapag Miyerkoles at Biyernes at delayed naman sa alas-11 ng gabi ang unang laro sa TV5.

(James Ty III)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved