Friday , April 19 2024

Token Lizares Ang Diva Na Walang Kaere-Ere Sa Katawan

ni  Peter Ledesma

Ramdam ng lahat, kasama na ng mga datihang close na reporter kay Token Lizares ang kanyang sincerity sa recent presscon nito sa Music 21 na ipinag-imbita ng very supportive sa kanyang si Tita Mercy Lejarde. Yes, kasama kami sa invited ni Tita Mer’s at nakita talaga namin kung gaano ka-down to earth ang “Charity Diva” sa entertainment press. Di talaga siya pinagbabago ng panahon. Imagine! kilala siya noong 80’s at nakapag-guest sa mga nangungunang shows noon tulad na Penthhouse Live hosted by ex showbiz couple Pops Fernandez and Martin Nievera, Kwarta O Kahon ni late Pepe Pimentel Student Canteen, Eat Bulaga, The Buzz, Startalk at marami pang iba. Pero kung makipag-chikahan siya sa press parang kaibigan lang siya ng mga ito. By the way, sinuportahan pala ni Kuya Germs at talent manager na si Norma Japitana ang kanyang presscon ni Token, para sa nalalapit na charity concert na “My Token of Love” na gaganapin sa Teatrino Promenade, Greenhills San Juan City sa March 22(Satrurday) at 7:30 PM. Makakasama ni Token sa show, sina German Moreno, Richard Poon, ang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan na gumagawa na ng pangalan sa showbiz at ang kilalang biritera na si Prima Diva Billy na parehong alaga ni Mama Jobert Sucaldito. Part rin ng concert para magpatawa sa crowd ang mga famous Gay stand-up comedian’s na sina Lee Chazz, AJ Tamisa at Niza Limjap. Si Mr. Butch Miraflor na musical director ng mga sikat na singer ang siyang magsisilbing musical director ni Token sa nasabing show, na lahat ng kikitain nito ay mapupunta para para sa pagpapa-repair ng Family Home, na pinapatakbo ng Family Home Bacolod Foundation na 90’s pa lang ay tinutulungan na ng mabait na Diva. Ilan pa sa mga Foundation na naging beneficiaries ng lahat ng ginawang charity concerts ni Token ay ang St. Vincents Home for the Aged Bacolod, Bantay Bata 163 Negros, Lingkod ER(Emergency Room) Foundation Bacolod, St. Paul(Paulines) Catholic Media Bacolod and Baguio, Philippine General Hospital(PGH) Children’s Surgical Ward Manila, St. Mary’s Home for the Aged Bacolod, Bacolod Boy’s Home Foundation, Bacolod Breast Care Foundation, Repairs and Renovations of several Catholic Churches in Negros Corazon Locsin Memorial Hospital, Surgery Department and Indigent Individuals who need major surgeries etc. Tunay nga at akma sa kanya ang bansag na Charity Diva ng Music Industry.

Koreanang Si Son Yung Kuk, Tinanghal Na “You’re My Foreignay” Binibining Visayas Sa Eat Bulaga

Sa gown pa lang na gawa ng pamosong couturier na si Dave Ocampo para sa Weekly Grand Finals sa “You’re My Foreignay” Visayas ay nagningning na ang kagandahan ng limang finalists na kinabibilangan ni Vanessa Rez ng Brazil, Hanieh Sharifi of Iran, mula sa bansang Italy na si Sarah Smith, Natalia Lopez ng Mixeco at ang tinanghal na Grand winner last Saturday sa Eat Bulaga para sa You’re My Foreignay Bb. Visayas na si Son Yung Kuk na mula naman sa bansang Jeon Ju City Korea. Si Son Yung rin ang nakatanggap ng special award para sa “Dabarkads Choice” kung saan umabot sa 2,440 ang nag-like ng larawan niya sa official Facebook Fan Page ng Eat Bulaga. Nakakuha ng over-all score na 93.2% ang nasabing winner dahil sa mala-Pinay niyang dating sa mga tumayong judges that day na sina Lourdino Vergara, Rafael Rosell, Connie Sison, Mark Gil at Miss World First Runner-up Gwendoline Ruais. Kinanta ni Son Yung Kuk sa talent portion ang latest hit ni Yeng Constantino na “Chinito.”

At nag-stand out rin ang beauty niya sa pina-deliver sa kanyang linya na Nakapagtataka sa “Talisalitaan” ganoon na rin sa acting na ipinakita dramatization na linya ni Sharon Cuneta sa pelikula nito noong 1987 na Pasan Ko ang Daigdig na “Inay, gutay-gutay na ang katawan n’yo, pati na ang kaluluwa gutay-gutay na rin. Tumataginting na 100 K ang napanalunan ng female foreigner na 100% pure banyaga na may Pusong Pinoy. Sarap na sarap rin pala sa pagkaing pinoy na puto ang mga nasabing weekly grand finalists.

About hataw tabloid

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *