Thursday , April 25 2024

Wansapanataym, waging-wagi sa ratings

ni  Reggee Bonoan

WAGI sa TV ratings ang pagsisimula ng pinakabagong Wansapanataym special na pinagbibidahan ng Kapamilya teen stars na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao.

Base sa datos mula sa Kantar Media noong Sabado (Marso 1) ay pumangalawa sa listahan ng most watched weekend TV programs sa bansa ang pilot episode ng Wansapanataym Presents Si Lulu at Si Lily Liit taglay ang 30.7% na national TV rating, o mahigit doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na Vampire Ang Daddy Ko (15%).

At sa pagpapatuloy ng kuwento sa Sabado (Marso 8) ay mapapanood na magdadalaga na ang kambal na sina Lulu at Lily (gagampanan ni Sharlene) at magbibinata na ang magkapatid na sina Harvey (Jairus) at Adrian (Francis).

Mababago ba ang samahan ng kambal dahil sa pagseselos ni Lulu sa atensiyon na ibinibigay ng kanyang mga magulang kay Lily? Paano maaapektuhan ng kalagayan ni Lily ang pakikipagkaibigan ni Lulu kay Adrian at sa kanyang hinahangaan na si Harvey? Tuluyan na bang masisira ang relasyon ng magkapatid dahil sa sumpang ibinigay kay Lily?

Kasama rin sina Paul Salas, Assunta de Rossi, Ron Morales, John Lapus, Desiree del Valle, John Medina, JB Agustin, Vladimir Galang, at Kazumi Porquez mula sa panulat ni Noreen Capili at idinirehe ni Manny Palo.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng month-long special nina Sharlene, Jairus, at Francis ngayong Sabado sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 UPLB Gandingan Awards.

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *