Friday , April 19 2024

SUV swak sa ilalim ng bus (2 sugatan)

Dalawa ang sugatan matapos pumailalim ang isang sasakyan sa likurang bahagi ng bus sa EDSA – Guadalupe southbound sa Makati City, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa ulat ni  MMDA traffic constable Melencio Martinez, bumangga sa likurang bahagi ng Admiral transport bus ang isang Innova SUV. Ayon sa mga awtoridad, lasing ang  drayber ng Innova na pumailalim sa bus at naipit sa loob ng sasakyan.

Nahirapang tanggalin ng rescue team ang drayber sa loob dahil sa tindi ng pagkakaipit at umabot nang halos isang oras bago naalis sa pagkakaipit saka isinugod sa ospital.

Ang kasamang babae ng driver ng Innova ay naunang isinugod sa isang ospital.

Bagama’t idinepensa ng drayber ng bus na si Jomar Galme ang insidente, sinabi ni SPO1 Andy Vale, posibleng sampahan ang driver  ng kaso, matapos walang makitang driver’s license si Galme at tanging traffic violation ticket lamang ang  kanyang ipinakita.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *