Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wendell, kahit ‘chick magnet’ natotorpe rin

Wendell, kahit ‘chick magnet’ natotorpe rin

ni   ROLDAN CASTRO

KAHIT tinaguriang ‘chick magnet’ si Wendell Ramos ay dumarating din ‘yung natorpe siya sa babae. Normal naman daw ‘yung maging torpe pero nasa may katawan na kung paano malalagpasan ang pagka-torpe. Hindi lang naman daw sa babae ang pagiging torpe kundi pati sa mga tao na gusto mong i-approach.

READ MORE:  Sharon, handa na kay Gabby

Happy naman siya na nagkasama sila ni Ogie Alcasid sa Confessions Of A Torpe na nagsimula na sa TV5. Blessed  daw siya dahil hindi lang n’ya gustong magtrabaho kundi gusto niya ang mga katrabaho niya sa tawa-serye gaya nina Ogie, Gelli De Belen, Alice Dixson, Bayani Agbayani, Jojo Alejar, Pilita Corrales atbp..

READ MORE:  TNT singers, recording artists na

Kinuha rin ang reaksiyon niya kung sakaling mangyari sa kanya ang pinagdaraanan ngayon ni Vhong Navarro dahil sa babae. Sana raw ay hindi dumating sa kanya ang ganoong sitwasyon dahil masakit ‘yun sa anak niya.

READ MORE:  Actor, tinaguriang ‘cheap call boy’

Sa ganitong pangyayari dapat daw ay maging aware  sa lugar na pupuntahan at magkaroon ng ibayong pag-iingat.

Talbog!

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved