Wednesday , May 22 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Ekonomiya malulumpo sa Manila truck ban

Ekonomiya malulumpo sa Manila truck ban

MALAKI na ang epekto sa ekonomiya ng bansa ang patuloy na day time truck ban sa lungsod ng Maynila, dahil hindi pa rin regular na nakabibiyahe ang mga cargo truck mula sa mga pantalan palabas ng lungsod.

Ito rin ang hinaing ng iba’t ibang grupo ng truckers dahil maging sila ay ramdam  ang pagkalugi sa kanilang mga negosyo.

Ang mga diver ng mga truck ay mahigpit ang panawagan na pag-aralang mabuti ng pamahalaang lungsod  ang ipinasang ordinansa na dahilan ng pagkawala ng kanilang regular na biyahe .

Idagdag pa anila ang walang humpay na panhuhuli ng  Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) kaya’t malaking kabawasan ito sa kakarampot nilang kita.

Ayon kay Mary Zapata, pangulo ng Aduana Business Club Inc., umaasa ang kanilang grupo at mga kaalyadong truck organizations, na maging katanggap-tanggap kay Mayor Joseph  Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang mga ido-dokumneto nilang epekto ng  truck ban.

Hiniling din ng mga truckers na kailangang makialam mismo ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa nasabing usapin upang hindi lumala  ang sitwasyon sa ekonomiya ng bansa.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top