Thursday , April 25 2024

Karylle, namroroblema sa pag-aasikaso ng kasal (Vice, ‘di na tuloy ang pagni-ninong)

ni Reggee Bonoan

NGARAG ang beauty ngayon ni Karylle Tatlonghari dahil halos sunod-sunod ang meeting  niya tungkol sa nalalapit nilang kasal ng husband-to-be na si Yael Yuzon.

Nakitang may ka-miting ang TV host/singer sa isang restaurant sa Quezon City at seryoso raw at nang matapos daw ay parang problemado dahil marami pa pala siyang dapat asikasuhin gayung ilang araw na lang at ikakasal na siya.

Base sa tsika sa amin ng nakakita, “parang hindi pa yata ayos ang venue ng wedding or something, pati yata ang reception.  Kasi pini-present pa lang kay Karylle ‘yung mangyayari. Tapos nakita ko pinapatawa siya niyong mga kasama niya kasi she looks stress na.”

Sabagay, ganito naman ang kadalasan naming naririnig sa mga ikakasal na hirap silang mag-asikaso kaya pagdating mismo ng araw ng kasal ay mukha silang mga walang tulog na idinaan lang sa make-up.

And do we hear it right, pati yata visa ay hindi pa rin naayos ni soon to be Mrs. Yuzon para sa bansang pupuntahan nila pagkatapos ng kasal?

Anyway, nalaman naming hindi na natuloy si Vice Ganda na kuning ninong nina Karylle at Yael dahil bukod sa wala sa bansa ang singer/comedian/actor ay masyado pa siyang bata para mag-ninong sa kasal.

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *