Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Vhong kakasuhan ng libel, perjury si Cabañero

Vhong kakasuhan ng libel, perjury si Cabañero

Kasong libel at perjury ang ibubuwelta ni Vhong Navarro sa babaeng nagsampa ng panibagong rape case laban sa kanya.

Giit ng abogado ng aktor na si Alma Mallonga, nagsisinungaling si Roxanne Cabañero sa kanyang sinumpaang salaysay.

“She brought this on. She made this decision to detail this lurid fairytale about something that happened. She has to bear the consequences.”

“Vhong will not be a punching bag, sobra na!”

Isasampa ang reklamo sa Marso 13, petsa ng preliminary investigation sa kasong isinampa ni Cabañero.

Matatandaang nagsumite ng sinumpaang salaysay si Vice Ganda na nakasaad doon na magkasama sila ni Navarro noong Abril 24, 2010, ang gabi ng umano’y panggagahasa kay Cabañero.

Naniniwala si Mallonga, kabilang lang si Cabañero sa mga istratehiya ng kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top