Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Miley Cyrus gustong makipaghalikan sa kapwa babae

Miley Cyrus gustong makipaghalikan sa kapwa babae

PAREHO silang naghalikan, at nagustuhan nila!

Hinalikan ni Miley Cyrus ang kasamahan niyang pop star na si Katy Perry sa ‘Bangerz’ concert sa Staples Center sa Los Angeles.

Naganap ang halikan sa performance ni Miley ng kanyang ballad na Adore You.

“Humalik ako sa isang babae at talagang nagustuhan ko!” anas ni Miley sa pagbalik sa entablado.

Kasunod nito, nag-share si Katy, 29, ng larawan ng kanyang ‘post-kiss reaction’ sa Twitter, na kung saan tinatakpan ng Dark Horse singer ang kanyang bibig habang makikita namang na-shock si Miley.

“And after! I adore you @MileyCyrus,” sinulat ni Katy, kasama ang larawan.

And after! I adore you @MileyCyrus =ØEÜ pic.twitter.com/xGU0UPna1S—Katy Perry (@katyperry) February 23, 2014

Matagal nang fan si Katy ng 21-anyos na kapwa pop star, at nag-Tweeted pa siya ng song request kay Miley bago pa ang konsyerto sa Los Angeles.

“I hope @MileyCyrus sings Breakout or The Climb tonight please bb!” kanyang sinulat.

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top