Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / James Reid, bulol kaya ‘di sumikat-sikat?

James Reid, bulol kaya ‘di sumikat-sikat?

 ni  Dominic Rea

THIS April 2 ay ipalalabas na ang pelikulang Diary Ng Panget  na isa sa mga bidang lalaki ay ang dating PBB Teen Housemate na si James Reid.

Noong makita ko siya sa presscon, kaagad na sumagi sa isip ko ang mga negang kuwento patungkol sa mga taong nakapaligid sa kanya na naging dahilan umano ng kanyang pagkakaligwak sa bakuran ng ABS-CBN lalo na sa Star Magic.

Wala raw siyang tampo sa Kapamilya Network. Sa kasalukuyan ay nakapirma siya ng eksklusibong kontrata sa Viva Films at Viva Records.

Tanong ko sa sarili, bakit kaya hindi na sumikat-sikat ang male young star na ito? May nagbigay ng komento sa tabi ko sabay sabing bulol daw ito at hirap mag-Tagalog noon na feeling ko naman until now ay ganoon pa rin huh! Ang siste kasi ay iniwanan umano sa ere ni James Reid ang kanyang discoverer? Totoo ba ito?

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top