Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sikat na singer-actress atat na makipagtanan sa boyfriend hunk actor (Dahil sa patuloy na paghihigpit ng ina!)

Sikat na singer-actress atat na makipagtanan sa boyfriend hunk actor (Dahil sa patuloy na paghihigpit ng ina!)

SOBRANG in-love na pala talaga ang sikat na singer-actress na may mala-tigreng ina sa showbiz dito sa hunk actor na boyfriend na niya ng ilang months.

Imagine! Dumating na pala sa puntong dahil sa sobrang inis sa paghihigpit sa kanya ng ina ay tinext raw ni actress ang Papang actor at niyaya na niyang magtanan na sila. Pero, ang replay sa kanya ay hindi pa ready sa ganoong level ng relationship. Maganda kasi ang takbo ng career ngayon ni actor kaya’t gina-grab muna ang magagandang opurtunidad na dumarating sa kanya. Dahil mahal na mahal ni super sikat na celebrity si nasabing Papable and Papalicious actor ay agad naman niyang naunawaan ito. Kung inaakala ng kanyang mother dear na sinunod siya ng sunud-sunurang anak na hiwalayan na ang nobyo, nagkakamali ang selfish na showbiz mother dahil hanggang ngayon ay may link pa rin sila sa isa’t isa.

Yes, pasasaan ba at malulusutan ng dalawa ang mga taong nagbabantay sa kanila. Dahil may kasabihan nga tayo na kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan. E, siyempre kinakamatayan nga ni actress si actor so hahanap at hahanap pa rin ng paraan para magkita sila nang lihim. Saka ‘yung nasulat na nag-uumpisa nang magwala si singer-actress ay totoo lahat lalo na ‘yung issue na ginupit-gupit ang kanyang hair para mairita ang kanyang nanay. Kaya ang ending parating naka-hair extension ngayon. Naku madir, baka sa susunod ay kalbuhin na ng daughter mo ang kanyang sarili. Huwag mo nang antayin na mangyari pa ‘yan no!

Kaya hinay-hinay na sa paghihigpit gyud!

POKWANG MAGPAPALUHA NG “MMK” VIEWERS NGAYONG SABADO

Matiising asawa at masipag na ina ang karakter na bibigyang buhay ni Pokwang sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Marso 1).

Gaganap siya bilang si Mely, ang maybahay na nagbulag-bulagan sa pambababae ng kanyang mister upang mapanatiling buo ang kanyang pamilya. Paano naikubli ni Mely mula sa kanyang mga anak ang kasalanan ng kanyang asawa? Ano ang kwento sa likod ng 15 taon niyang pag-iikot sa mga kalye ng Bacolod para magbenta ng arroz caldo? Bahagi rin ng “MMK” episode ni Pokwang sina Emilio Garcia, Marco Gumabao, Lance Lucido, Beauty Gonzalez, Althea Guanzon, Brian Poe Llamanzares, Celine Lim, Aaron Junatas, Abby Bautista, Jun Urbano, Jef Gaitan, Yda Yaneza, at Carla Guevarra. Ang episode ay idinerek ni Garry Fernando, isinulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos, at sinaliksik ni Michelle Joy Guerrero. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng

business unit head na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Lindsay Anne Dizon. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

PREMYONG CASH SA “TRIP NA TRIP” NG EAT BULAGA MAS PINALAKI PA

Mas lalong lumalaki ngayon ang tropa sa isa sa gustong-gustong panooring segment ng mga Dabarkads sa Eat Bulaga na “Trip na Trip.” Kasabay nito pinalaki na rin ang puwedeng mapanalunang cash prize ng contestant na mapipiling winner sa araw na ‘yun. Happy happy ang mga kalahok dahil bukod sa nagpapakilig ng araw nila na Los Viajeros na sina Pedro, Eduardo at Diego na kanilang nayayakap at may kandong pa sa kanila. Sa elimination round pa lang, tatlo sa matatanggal ay magkakamit na ng 3K, 4K at 5K at tig-iisang EB Jacket. ‘Yung natirang isa na siyempre automatic winner na ay nakadepende naman sa roleta ang maiuuwing premyo. Kapag tumapat sa Kandungin si Dude ang pinaikot na roleta ng kung sino mang winner ay tatanggap ng 15K, 25K naman para sa Upong Bagong Kasal, 30K para sa Kandungin si Babe at kapag tumama sa Akbay Akbay din pag may time ay 20K naman ang makukuha. Ang mga halagang ‘yan ang laman ng apat na maleta kaya ka-trip pulsuhan mo na para makuha mo ang tumataginting na P30,000.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top