Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rochelle, nahasa ang galling sa pag-arte sa Daisy Siete

Rochelle, nahasa ang galling sa pag-arte sa Daisy Siete

ni Vir Gonzales

MALAKI ang pasasalamat ni Sexbomb girl Rochelle  Pangilinan sa break na ibinigay ng nanay-nanayan niyang si Joy Cancio sa pinakamatagal na teleserye sa GMA, ang Daisy Siete.

Inabot ito sa ere ng almost seven years na wala pang nakatutulad sa tagal. Lahat na yata ng role ay naibigay doon kay Rochelle. At maraming bigating stars din ang nakasama nila roon.

Ngayon, sa bagong teleseryeng kasama si Rochelle, hindi man lang ito kinakabahan kahit makaeksena sina Marian Rivera, Jaclyn Jose, Roi Vinzon and even award winning director/actress Laurice Guillen. Pero inaamin ng GF ni Arthur Solinap, na may kaba pa rin siya minsan lalo na kapag si Direk Laurice ang kaeksena.

Malaki ang naitulong ni Joy kay Rochelle at hindi niya ito makakalimutan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top