Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Piolo, kinasabikan ng fans (Kaya super blockbuster ang Starting Over Again)

Piolo, kinasabikan ng fans (Kaya super blockbuster ang Starting Over Again)

ni Vir Gonzales

IN fairness to Piolo Pascual, komento ng mga tagahanga, matagal din silang nanabik sa actor kaya’t bongga ang resulta sa takilya ng pelikula nila ni Toni Gonzaga. ang  StartingOver Again.

Meaning, hindi dahil komo’t Toni Gonzaga ang kapareha ganoon ito kalakas bumenta sa mga sinehan!

Sabi nga ng isang tagahanga, subukan kayang ibang lalaki ang ipareha kay Toni, ganito rin ba ang magiging resulta?

Daddy jun,excited sa apo

MASAYA sina Daddy Jun at Mommy Magdangal dahil dahil may apo na sila.

Nagsilang ng kanyang baby via caesarian si Jolina Magadangal last February 18 sa Asian Hospital.

Masaya rin ang asawa nitong si Mark Escueta, sa kanilang first baby born baby na pinangalanang Pele Inigo, galing sa pangalan ng isang sikat na Brazillian soccer player.

Alibughang Anak, premiere night sa Feb. 28

MAY premiere night sa Cuneta Astrodome sa February 28 ang pelikulang  Alibughang Anak ganap na ika-4 ng hapon.

Ayon kay Nonoy Saron  tagapagbalita ng naturang movie, tampok sina  Alex Tinsay, Lucita Soriano, Pichie de Corse,  at Poldan Aquino.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top