Thursday , October 9 2025

Alaska kampeon sa Cebu

NAKUHA ng Alaska Milk ang titulo sa 2014 Cebu Charter Day Cup pagkatapos na pataubin nito ang Natumolan-Tagoloan Tigers, 96-86, noong Linggo sa New Cebu Coliseum.

Humataw si Sonny Thoss ng walo sa kanyang kabuuang 17 puntos sa huling limang minuto upang gabayan ang Aces sa pagwalis ng tatlo nilang laro sa torneo.

Nanguna sa opensa ng Alaska ang import nilang si Rob Dozier na gumawa ng 20 puntos samantalang 11 puntos naman ang naitala ni Calvin Abueva.

Sa unang laro, pinabagsak ng Globalport ang Talk ‘n Text, 85-79, sa pangunguna ng 22 puntos ni import Evan Brock at 14 naman mula kay Terrence Romeo.

Ang torneong ito ay bahagi ng paghahanda ng Aces, Batang Pier at Tropang Texters para sa PBA Commissioner’s Cup na lalarga na sa Marso 5.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pacman Veana Fores Thrilla in Manila

Sa ika-50 anibersaryo ng Thrilla in Manila
SMART ARANETA COLISEUM MULING NASA SPOTLIGHT

ISANG knockout tribute ang inilunsad ng Big Dome at Araneta City upang parangalan ang makasaysayang …

PSC Batang Pinoy

Handang-handa na para sa PSC-Batang Pinoy National Championships na gaganapin sa GenSan

KASADO na ang lahat para sa Batang Pinoy National Championships na inorganisa ng Philippine Sports …

Pia Cayetano Womens Basketball referee

UAAP referee pay gap, binatikos: Bayad sa men’s games mas mataas kaysa women’s

ANG naiulat na agwat sa bayad ng mga referee sa UAAP men’s (₱3,000/kada laro) at …

Alan Peter Cayetano FIBV

Cayetano: ‘10/10’ hosting patunay kaya ng Pilipinas sa world-class events

PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang matagumpay na “10 out of 10” …

Reig Salazar Sprint Elite National Aquathlon Championships

Reig at Salazar, Kampeon sa Sprint Elite ng National Aquathlon Championships

NAMAYAGPAG sina Irienold Reig Jr. at Katrina Salazar sa sprint elite category ng National Aquathlon …