Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / 7017 International Music Festival naging drug fest sa Angeles, Pampanga

7017 International Music Festival naging drug fest sa Angeles, Pampanga

00 Bulabugin JSY

DINAYO ng iba’t ibang uri ng artists ang 7017 International Music Festival sa Angeles, Pampanga nitong Pebrero 22 – 23 (2014).

Ito po ‘yung event, kung saan nadakip ang isang menor de edad na aktor at ang iba pa niyang kasama dahil sa paggamit umano ng Marijuana at iba pang uri ng illegal na droga.

Pero lumalabas na hindi lang ‘yung grupo ng mga batang actor ang gumagamit ng Marijuana.

Tila ‘WOODSTUCK’ ang nasabing musical festival na naging libre at talamak ang paggamit ng Marijuana at iba pang uri ng droga.

Anyare, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief, ret. Gen. Arturo Cacdac, Jr.!?

Bakit nakalusot ang pagpasok ng iba’t ibang klase ng droga sa event na ‘yan?!

Wala ka bang ini-deploy na mga tauhan mo para mai-monitor ang mga drug user sa event na ito?

Higit sa lahat, mga menor de edad lang ba ang kaya ninyong damputin sa mga gumagamit ng droga sa event na ‘yan?!

PDEA chief Cacdac Sir, hahayaan ba ninyong maging precedent ang event na ‘yan para maging palusutan ng droga ang ating bansa?

Hindi na tayo magtataka kung bakit madaling nakapapasok ang mga ilegal na droga sa bansa.

‘Di ba, Gen. Cacdac?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top