Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 6 Pasay police sibak sa suhol na drug money

6 Pasay police sibak sa suhol na drug money

SINIBAK sa puwesto ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte ang 6 pulis Pasay, kaugnay sa P1 milyong suhol mula sa nahuli nilang Chinese national na may dalang isang plastic  sachet ng shabu, nitong nakaraang linggo.

Kinilala ang mga sinibak na sina Senior Insp. Cesar Teneros, deputy chief ng Intelligence Unit ng Pasay police, mga tauhan niyang sina POs1 Rafael Siguan at Angelo Laxa, POs3 Edgar Bajador at Mariano Pata, PO2 Jeoffrey Cionilo, na itinalaga pansamantala  sa Holding and Administrative Unit ng SPD.

Ani  Chief Villacorte, ang nabanggit na mga pulis ay isasailalim sa imbestigasyon dahil sa kaduda-duda nilang pahayag kaugnay sa panunuhol ng P1-M ng nahuli nilang Chinese national na si Hao Cheng noong Pebrero 16 sa Jalandoni St., CCP Complex.     (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top