Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Regine at Lander, binansagang Zumba King and Queen!

Regine at Lander, binansagang Zumba King and Queen!

 ni  Nonie V. Nicasio

PROUD na sinabi ni Regine Tolentino na sila ng mister niyang si Lander Vera Perez ang kauna-unahang celebrity licensed Zumba instructors ng bansa. Aminado rin ang talented na TV host/dancer/actress na naa-adik na siya sa Zumba.

“Ang sarap ng feelings, were addicts! Talagang we love fitness, we love to dance together and we have so much fun. Talagang pati mga anak namin kasali. Four times a week kami, even five, minsan six times a week kung mag-zumba kami.

“Nai-invite na kami all over the Philippines. Nagkakaroon na kami ng sarili naming mga events and sponsors… talagang super uso ngayon (ang zumba). And pupunta kami sa Florida, USA para sa conventions ngayong August.

“So, ayan zumba queen and zumba king na ang tawag sa amin. Kaya we have to stay in shape, we have to be always updated with the latest routines and siyempre kailangang makita sa amin na physically fit, na talagang effective ‘yung zumba. It’s high energy, ‘di nakakasawa, talagang mabilis and after nito, talagang tagaktak ang pawis mo,” nakangiting saad ng isa sa hosts ng Unang Hirit.

Pahabol pa niya, “We had a very successful… one of the biggest zumba events here in Manila, sa Robinson’s Magnolia, Zumba Stars.  Ang next namin ay sa February 28, mayroon din kami sa March 29, tapos ‘yung big event namin ay sa August 9 sa Market-Market.”

Idinagdag pa ni Regine na kapag may gustong mag-imbita sa kanila, puwede silang tumawag sa 723-8289, 9660422, 726-6669, 966-2832 o i-follow sila sa Instagram at Twitter @RTStudiosPH & @RBoutiquePH.

Naibalita rin ni Regine ang show nilang Femme Fatal with Andrea del Rosariona kasalukuyan na nilang pinaghahandaan.  “It’s a different types of dances. Very visual and it’s really hot, for sure.

“This is the first time in the Philippines in a long time that you really have a show that’s like pure dance. You’ll have a lot of sexiness, you’ll have lots of new different dancing styles, you’ll see a celebration of womanhood, sexy body…”

Bukod dito, may bagong show din siya sa TV5. “Sa TV po may brand new show, it’s called Celebrity Dance Battle. Kasama po ako roon pero off-cam right now, as the official dancewear designer.

“Bale sa TV5 itong Celebrity Dance Battle or CDB with Lucy Torres Gomez, theSemerad Brothers, G. Toengi, Direk Douglas Nierras and marami pang iba.”

Sa mga gusto namang sumali sa yearly Summer Workshops ni Regine narito ang ilan sa schedules nila na magsisimula ngayong April 5: (Personality Development), April 28 (Ultimate Dance Workshops),  April 28 (Hip Hop, Belly Dancing, Voice Power),  April 29 (Musical Theater), April 29 (Latin Ballroom).

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top