Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maricel Soriano, walang sawa sa kakadaldal (Aktres laging hyper!)

Maricel Soriano, walang sawa sa kakadaldal (Aktres laging hyper!)

ni  Peter Ledesma

MAY ilang co-star raw si Maricel Soriano sa elikula nilang Momzillas ang lihim na pinagtatawanan ang pagiging hyper lagi ng actress sa set. Paano kahit malapit na raw mag-take ng mga eksena ay puro kuwento at daldal pa rin sa kanila si Maria na para raw nakatira ng katol. Kahit nga raw ang kapwa niya bida noon sa Momzillas na si Eugene Domingo na kilala sa pagiging talkative ay sumuko at ‘di kinaya ang powers ni Maricel sa pagiging daldalera. Imagine! pagdating raw ng Diamond Star sa set ay chika na agad-agad siya sa lahat. Noong una ay ayos lang naman pero nang hindi tumitigil sa kasasalita ay turn-off ang ilang mga kasamahang artista lalo na ‘yung naglalagare ng project. Imbes nga naman ipahinga o itulog nila ay kailangan nilang makisama kay Maria. Well, may naaalala kami na kuwentong similar sa episode ni Maricel. Isang beteranang aktres na nag-migrate na sa States kasama ang celebrity rin na mister. Ayon sa kuwento ng kaibigang beteranang artista rin. Kapag nag-usap sila sa telepono dapat ay nakaligo na siya at nakapagluto ng kanilang kakainin or else baka mamantot siya sa baho at mamatay sa gutom dahil kapag nakakuwentohan na ang tinutukoy nating veteran actress na lahat ng mga anak ay nasa showbiz. Inaabot sila ng 10 hours na non-stop ang chikahan. Kahit raw nasa bathtub ang actress ay kaya niyang magkuwento ng kung ano-anong mga bagay sa kanyang pamilya or anything under the sun. At para makapagpahinga sinadya na ng aktres na aktibo pa rin sa showbiz na ipaputol ang kanyang telepono. Kaya ayun bukod sa hindi na siya naaabala ay naging matahimik na ang mundo niya. Pero tawa siya nang tawa tuwing naaalala niya ang nasabing episode sa buhay. Sino si daldalerang actress? Itago na lang natin siya sa namesung na RG.

Siya na nga, at wala ng iba gyud!

YOUNG PAINTER NA SI KENNETH MONTEGRANDE MAY 3RD SOLO ART EXHIBIT SA MANILA GRAND OPERA HOTEL

Naging successful ang 2nd solo Art Exhibit na Juan Heart Nation, Art with A Heart ng young painter na si Kenneth John Montegrande na ginanap last February 3 sa Ristorante de Amore sa loob ng Citystate Tower Hotel sa Mabini na tumagal ng one week. Sinuportahan si Kenneth ng kaibigan at mabait na publisher na si Sir Edgard Cabangon kasama ang kanyang daddy na si Amba Antonio Cabangon-Chua, na aming beloved. Dumating rin ang actor na si Rez Cortes.

Dinagsa ng buyers na mahihilig sa abstract painting ang nasabing exhibit. Kaya naman ngayong gabi sa Manila Grand Opera Hotel sa Doroteo St., cor Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila gaganapin ang ikatlong solo Art Exhibit ni Kenneth. For sure, dudumugin na naman ito. Siyempre hindi mawawala sa event sina Sir Edgard at Amba na bilib sa talent ni Kenneth na hindi naman talaga basta-basta kundi gifted talaga. Aba! mahirap kaya ang abstract painting na akala mo ay simple lang pero todo effort ang ginagawa rito ni Kenneth makabuo lang ng isang obra. At isa sa pinakasikat na painting ng nasabing personality na talagang pinag-usapan at na-feature pa sa television at broadsheet ay ang “Pahalik to the Black Nazareth.” Madalas rin ma-interview ng mga sikat na TV personalities si Kenneth dahil siya lang naman ang Spokesman ng Department of Tourism para sa National Parks and Development. Alam ba ninyo na isa rin endorser ang hinahangaan naming painter. Yes sabay nilang ini-endorse nina Sam Milby at Toni Gonzaga ang UNISILVER. Hanggang ngayon ay nakakontrata pa rin siya sa nasabing company. Tatagal rin ng one week ang art exhibit ni Kenneth sa Manila Grand Opera Hotel.

Kita kits tayo there gyud!

FOREIGNAY NG EAT BULAGA PATOK AGAD SA TELEVIEWERS

After ng huge success ng “You’re My Foreignoy” sa Eat Bulaga, sinundan agad ito ng “FOREIGNAY” para sa mga babaeng banyagang na sinimulan ng Bulaga last Monday. Kung kinilig ang girls at gays sa mga artistahin at modelo ang dating na mga foreignoy, ngayon, tiyak na ang mga kalalakihan naman at iba pa ang mag-e-enjoy sa panonood araw-araw ng nasabing segment na pinag-isipan talaga ng mga writer ng show. Kakaiba ang konsepto ng segment na ngayon palang napapanood on national TV. Noong Lunes dahil pareho silang magaling at parehong may pusong Pinoy at may angking talent ng isang Filipina, nag-tie bilang mga winner of the day at nagwagi ng cash prize ang mga Foreignay na sina Marianna Henud ng Brazil at from Poland na si Joanna Bartosiewicz.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top