Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Galema actor, 6 pa timbog sa damo (Sa Clark music fest)

Galema actor, 6 pa timbog sa damo (Sa Clark music fest)

PITO katao, kabilang ang isang young actor at tatlong menor de edad, ang naaresto habang gumagamit ng marijuana sa 7107 international music festival sa Clark, Pampanga kamakalawa.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang stainless box na naglalaman ng rolling paper at marijuana residue, Valium tablets, at smoking pipe.

Ang mga suspek ay ikinulong sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 office.

Ang tatlo ay agad din pinalaya ngunit ang young actor na hindi binanggit ang pangalan, at tatlong iba pa ay dinala sa Angeles City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.

(RAUL SUSCANO/JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top