Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Boy Abunda, itinangging kumikiling kay Vhong Navarro

Boy Abunda, itinangging kumikiling kay Vhong Navarro

ni  Nonie V. Nicasio

ITINANGGI ng batikang TV host na si Boy Abunda na may pagkiling sila sa paghahatid ng balita sa Buzz ng Bayan, partikular dito ang kaso ni Vhong Navarro na contract star ngABS CBN.

“We don’t have illusions of lawyering for Vhong Navarro. Hindi po kami mga abogado. All these people who are involved in this case are brilliant lawyers,” wika ni Kuya Boy sa isang panayam.

Ayon pa sa award winning TV host, lahat ng panig ay binibigyan nila ng pagkakataong marinig sa kanilang programa.

“Ginawa po naming lahat, patuloy po kaming nangumbida kay Deniece ng personal. Ang amingstaff ay tinawagan ang kanyang abogado, through my friends I was trying to reach Cedric. We were trying to invite all of them to Buzz ng Bayan para patas. Para balanse ang aming report sa inyo na aming manonood.”

Patunay nito ang pag-interview ni Kuya Boy sa lolo ni Deniece na si Rod Cornejo.

Matatandaang nagpahayag si Cedric ng pagiging bias umano ng Kapamilya Network ng pagbabalita ukol sa kaso nila ni Vhong.

Welcome rin daw sa Buzz ng Bayan pati ang ikalawang rape complainant kay Vhong na siRoxanna Acosta Cabañero at ang abogado nito.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top