Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anak ni Gina, understudy sa Mga Ama, Mga Anak

Anak ni Gina, understudy sa Mga Ama, Mga Anak

ni  Danny Vibas

UNDERSTUDY pala sa isa sa mga tauhan ng Mga Ama, Mga Anak ang anak ni Gina Pareño na si Rachel. Sa credits sa souvenir program ng nasabing produksiyon ng Tanghalang Pilipino (TP) sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Pareño ang gamit na apelyido ni Rachel.

Understudy si Rachel para sa character na Nena Monzon, isang matandang dalaga na anak ng isang mayaman pero may kalupitang ama.

Sa kasalukuyan nang ipinalalabas na Mga Ama, Mga Anak, understudy si Rachel sa mag-a-alternate na sina Madz Nicolas atBanaue Miclat. Ibig sabihin ng pagiging understudy ay sakaling sino man sa magka-alternate ang ‘di puwedeng mag-perform, ang understudy ang papalit. At pwedeng mangyari ‘yon sa kalagitnaan ng pagtatanghal.

Very demanding ang maging understudy dahil kailangang lagi silang nasa backstage sa bawat performance at handang sumampa anytime. This means, fully rehearsed din sila para sa character na in-assign sa kanila. Maaaring naka-character make-up din sila at naka-costume para nga kung kailangan silang mag-take over, hindi madi-delay ang pagtatanghal.

Usually, lahat ng characters sa isang production ay may understudy. At  may mga understudy na may ibang papel din sa pagtatanghal. Halimbawa ay si Shiela Francisco sa kasalukuyan na ring palabas na August: Orange County ng Repertory Philippines. Siya ang gumaganap na kapatid ng lead character na ginagampanan ni Baby Barredo. Pero si Shiela ang understudy ni Baby bilang Evelyn Weston, ang inang lukaret at drug addict.

Mabuti naman at teatro muna ang pinasok ni Rachel—at hindi pelikula agad. Mas mahahasa siya sa teatro para maging versatile actress kaysa kung diretso agad siya sa pelikula. Magdurusa siya kung baguhan pa lang siya ay ikukompara sa napakahusay n’yang ina.

Apo ni Enrile na si Cris, magaling na puta

ALAM  kaya ni Sen. Juan Ponce Enrile na napakagaling na prostitute ng apo n’yang si Cris Villongco?

Opo, prostitute sa entablado. Specifically sa dulang Mga Ama, Mga Anak, na itinatanghal na tuwing weekends sa Little Theater ng Cultural Center of the Philippines.

Apo ng aktres-prodyuser Armida Siguion Reyna si Cris, na ang ina ay anak ni Armida na si Monique Villongco (bagamat matagal na siyang hiwalay sa mister n’yang abogado na si Opap Villongco).

Kapatid ni Armida sa ama si Sen. Enrile. Which means apo rin n’ya si Cris.

Kabit ni Robert Arevalo ang papel ni Cris sa Mga Ama, Mga Anak. Kabit na nanggaling sa isang beerhouse. Lumpo na ang character na ginagampanan ni Robert bilang Zacarias Moozon. Lumpo na sa katandaan pero mahilig pa rin sa babae.

Pang-beerhouse talaga ang mga outfit at lengguwahe ni Cris sa dulang ito. Malaswa ang costume n’ya.

And, very surprisingly, at home na at home si Cris sa outfit n’ya at sa character n’ya. Mas magaling nga siya rito kaysa isa pang performance n’ya bilang prostitute rin, sa Closer, isang dulang Ingles na itinanghal sa  Whitespace sa Makati last year. Putang-puta siya rito sa Mga Ama, Mga Anak.

Bagamat tungkol sa isang matandang malibog ang Mga Ama, Mga Anak, napaka-espiritwal ng tema at mensahe nito. Bagamat hindi ito tungkol sa relihiyon, may karakter ditong seminarista at isa pang matandang nangarap maging pari.

Iminumungkahi naming panoorin ito ni Sen. Enrile, at tiyak magiging proud siya sa apo n’ya. Nasa cast din nito sina Celeste Legaspi (with Jackielou Blanco as alternate), Nanding Josef(alternate ni Robert), Madz Nicolas, at Marco Viana. Ito’y mahusay na pagtatanghal sa direksiyon ni Joel Lamangan!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top