Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yael, kinausap na si Vice

Yael, kinausap na si Vice

ni Alex Brosas

“I do not discriminate against gay people. I never did and I would never say anything na ganoon. I am thankful that Direk Bobet tried to fix the situation. I already called Vice, and cleared what was needed to be clarified.”

Iyan ang statement ni Yael Yuzon about his supposed rift with Vice Ganda.

Napilitan sigurong mag-issue si Yael ng statement dahil marami ang naimbiyerna sa kanya nang ibuking ni Vice na galit na galit siya nang i-partner ang girlfriend niyang si Karylle sa stand-up comedian.

Maging sa comments sa kanyang Instagram ay marami ang naimbiyerna kay Yael. Nang mag-post siya ng photo of sheeps na kasama ang ganitong caption: “Man, i would love to see New Zealand. #sheep,” ay kaagad na inisip ng ilang followers niya na pinatututsadaha niya si Vice.

“vice kamukha mo raw mga sheep oh! inaasar ka talaga! hahaha @praybeytbenjamin,” comment ng isang follower.

“you should not discriminate Gay,” mataray namang sabi ng isang guy.

“sorry pero ang dami po nagalit sa inyo sa school dahil hindi porket bakla daw eh minamaliit kasi ang mga bakla tao rin daw po…. loveteam lang naman daw po eh…. dapat nirerespeto rin sila,” one follower said.

Wait guys, hindi nga raw siya nagdi-discriminate ng gays.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top