Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Waiter tumalon sa jeep, kritikal (Bag tinangay ng snatcher)

Waiter tumalon sa jeep, kritikal (Bag tinangay ng snatcher)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 24-anyos waiter matapos tumalon mula sa pampasaherong jeep nang agawin ng snatcher ang kanyang bag sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Micheal Atencio, nakatira sa Ipil St., Marikina Heights sa lungsod.

Ayon sa ulat, dakong 11:30 p.m. lulan ang biktima ng pampasaherong jeep na may rutang Cubao-Montalban, nang pagsapit sa Bayan-bayanan, Concepcion Uno ay inagaw ng nakasabit na snatcher ang kanyang bag.

Bunsod nito, tumalon ang biktima mula sa jeep upang habulin ang snatcher ngunit bumalibag ang kanyang katawan sa kalsada at nabagok ang ulo.

Isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima na kasalukuyang inoobserbahan ang kalagayan. (ED MORENO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top