Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Selosong mister utas sa ikatlong suicide try

Selosong mister utas sa ikatlong suicide try

NATULUYAN sa ikatlong pagpapakamatay ang 27-anyos mister sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanilang bahay sa Brgy. Tarcan, Baliwag, Bulacan kahapon.

Ang biktimang dalawang beses nang nabigo sa pagpapakamatay ay kinilalang si Alexander Ignacio ng Sitio Mulawing Matanda, sakop ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pakikipagtalo ang biktima sa kanyang misis dahil sa matinding selos sa hinalang may ibang lalaki ang ginang.

Sa unang dalawang pagtatangkang magbigti ay napipigilan ang biktima ng kanyang mga kaanak hanggang dakong 5:30 a.m. kahapon ay natagpuan na lamang na wala nang buhay si Ignacio.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matiyak na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top