Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 Tsekwa tiklo sa shabu

2 Tsekwa tiklo sa shabu

NAKAPIIT ngayon sa Pasay City Jail  ang isang Chinese national at isang Tsinoy, matapos mahulihan ng isang kilong shabu sa parking area ng isang hotel sa Pasay City, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay Police, kinilala ang mga suspek na sina James Oy, 29-anyos, Filipino-Chinese at Chinese na si Peng Wang, 37.

Ani Chief Sr. Supt. Florencio Ortilla, nagsagawa sila ng surveillance operation sa 4th floor ng parking area ng Resorts World Hotel, matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa illegal na operasyon ng mga suspek dakong 7:30 ng gabi.

Ang dalawang suspek  ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002 .

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top