Wednesday , November 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 billboard technician nalapnos sa koryente

2 billboard technician nalapnos sa koryente

NAGA CITY – Nalapnos ang katawan ng dalawang electrical technician matapos makoryente sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktimang sina Irvin Lumaad at Roberto Rivera.

Nagkakabit ang dalawa ng billboard nang aksidenteng madikit sa live wire ang kanilang hinahawakang kable.

Nangisay at nahulog sa lupa ang dalawa at agad naitakbo sa ospital.

Dumanas si Lumaad ng first degree burn at second degree burn si Rivera.

(HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top