Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / TESDA Director Joel ‘bulsa-nueva’ este Villanueva nadawit din sa P10-B Pork Barrel Scam (Jesus is Lord!)

TESDA Director Joel ‘bulsa-nueva’ este Villanueva nadawit din sa P10-B Pork Barrel Scam (Jesus is Lord!)

00 Bulabugin JSY

NAGULAT  tayo nang idamay ni TRC deputy director general Dennis Cunanan sa kanyang testimonya si TESDA Director Joel ‘Bulsa-nueva’ este Villanueva.

Ang dating CONGRESSMAN na paboritong dalaw ni Pangulong Noynoy sa Malakanyang.

Isa si TESDA Director Joel Bulsa-nueva ‘este mali na naman’ Villanueva sa mga batang mambabatas na plinanong isama sa Senate Slate ng Liberal Party pero last minute ‘e na-scratch siya nang hindi tumaas ang rating sa series of surveys.

E ngayong ibinunyag ni Cunanan na halos P5 milyon mula sa kanyang  pork barrel ay ibinigay ni Villanueva sa mga pekeng non-government  organizations (NGO) ni pork barrel scam queen Janet Napoles Lim noong siya ay kinawatan ‘este’ kinatawan pa ng CIBAC party-list ‘e hindi na tayo nagtataka kung bakit hindi siya tumataas sa survey.

Hay ‘Bulsa-nueva,’ Jesus is Lord talaga o!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top