Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hunky actor, mas feel ‘makipaglandian’ sa mga guwapong banyaga

Hunky actor, mas feel ‘makipaglandian’ sa mga guwapong banyaga

ni  Pilar Mateo

NAKU, ha! Hindi yata matatapos ang kuwento sa isang hunky actor na nito lang Araw ng mga Puso, talagang kay bilis na kumalat ang kuwento sa eksenang ginawa nila ng kasama niyang celebrity din na natsitsismis na gay.

Since araw ng mga puso ito, naturally ang aasahan mo na ka-date ni hunky actor eh, ang nababalita man lang na nililigawan niya at gustong maging syota. No! Mga hunky men din ang nakapalibot sa kanila, ha! At nang malasing nga raw sila, walang ginawa si hunky actor kundi makipagyakapan at halikan sa mga kasama nila na parang walang pakialam na nasa harap pa rin siya ng publiko.

Siyempre, maraming tanong sa isip ng nakasaksi kung ano ba ang trip talaga ng nasabing hunky actor.

Ang tsika pa, allegedly, ang babaran nilang bar eh, pugad din daw ng ipinagbabawal na gamot?

Baka naman nagluluka-lukahan lang si actor at ang matagal na nga niyang inaasam na maging syota eh, pinahahabol-habol pa rin siya at hinahawakan lang sa tungki ng ilong nito.

Kung tama ang tsika na sa mga guwapong banyaga na siya nakikipag “landian” aba, oras na para maglantad na rin siya para mas happy, mas fun!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top