Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Enrile ‘not ban’ sa EDSA anniv

Enrile ‘not ban’ sa EDSA anniv

NILINAW ng Malacañang na walang diskriminasyon sa EDSA key players na sangkot sa pork barrel scam sa gaganaping paggunita ng People Power Revolution sa Pebrero 25.

Ngayong taon, isasagawa ang selebrasyon sa Cebu City para makasama ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga biktima ng kalamidad.

Kabilang sa mga nanguna sa EDSA People Power Revolution na sangkot sa pork barrel scam ay sina Sen. Juan Ponce-Enrile at Gringo Honasan.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, walang kinalaman ang pork barrel scam sa diwa ng EDSA at hindi mahahaluan ng politika.

Ayon kay Coloma, bahala na ang People Power Commission sa mga iimbitahan at kung sino ang dadalo.

Ngunit wala aniyang haharangin sa key players at bukas sila sa posibleng pagdalo ni Enrile.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top