Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Cabagnot lalaro sa Cebu

Cabagnot lalaro sa Cebu

SASABAK  sa Cebu ang tatlong koponan ng PBA sa isang pocket tournament bilang paghahanda sa Commissioner’s Cup ng liga na lalarga na sa unang linggo ng Marso.

Sasali sa torneo ang Alaska, Talk n Text at Globalport, kasama ang Tagoloan-Natumolan Eagles ng Mindanao sa isang single-round robin elimination.

Tatagal ang torneo hanggang sa Linggo.

Sasama sa Globalport ang mga bago nilang manlalarong sina Alex Cabagnot at Bonbon Custodio, pati na rin ang import na si Evan Brock.

Magiging unang pagsabak ito ng bagong coach ng Batang Pier na si Pido Jarencio.

Lalaro rin sa torneo ang mga imports na sina Rob Dozier ng Alaska at Richard Howell ng TNT. (James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top