Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tagumpay ni Ser Chief, ‘di na mahahadlangan

Tagumpay ni Ser Chief, ‘di na mahahadlangan

 

ni  Letty G. Celi

HINDI naman late bloomer matatawag si Richard Yap, ang boyfriend ng bayan, ng bakla, ng tomboy, babae , matatanda, pero hindi  naman lahat sila  ay malisya o pagnanasang makamundo, bagkus love nila at  hinahangaan dahil sa ganda ng Be Careful with my Heart ng ABS-CBN.

Akalain ba ni Ser Chief or Richard na magki-klik ang Be Careful with my Heart na maging daan sa matagumpay na showbiz career niya? Matured na ang utak ni Richard ng maging idol ng masa pero young at heart pa rin at good looking. Hindi naman too old ang idol ng masa, ‘ika nga, katamtaman lang kumbaga hinog na hinog na kung prutas.

Dinadapuan ng suwerte si Richard, destiny ‘ika nga! ang maganda kay Richard bago siya naging IDOLO sa TV at movies  at sa maraming products na ineendoso niya, isa siyang commercial model ng fastfood chain. Kumbaga, rito nagsimula ang pagbubukas ng pintuan ng kasikatan sa showbiz. Ngayon, hindi na pwedeng  hadlangan ang tagumpay ni Richard Yap. Ikaw Na.

Studio 5 Original Movies ng TV5, patok na patok

MAGANDA ang bagong project ng TV5 na tinawag na Studio5 Original Movies na nasimulan na nila para sa buwan ng Pebrero, tinatawag na Love Month o buwan ng pag-ibig. Bale apat na magagandang love stories na parang TV at pelikula ang dating may qualities ‘ika nga, story wise, directorial, casting, cinematography, screenplay, production design, sound at iba’t ibang bagay sa paggawa ng isng magandang panoorin.

Apat ang itinanghal sa  love month, like noong Pebrero 4 ang unang  itinanghal ay ang Lady Next Door ni Alice Dixson with  teen heartrob Marl Neumann. Sinundan ito ng When I Fall Inlove with Tirso Cruz III, Nora Aunor, Nadine Samonte, at Felix Roco. Pebrero 18 naman sina Jasmine Curtis Smith, Arci Munoz and Daniel Matsunaga. Ang 4th at last  na mapapanood  ngayong  Pebrero 25 ay ang Bawat Sandali.

Umaangat ang maraming programa ng TV5 ngayon kaya ang ganda ng simula ng 2014 ng Kapatid Network. Lalo  na ang Lets Ask Pilipinas na ganadong-ganado si Aga Muhlach dahil sa klik na klik ang show. Type na type ng audience sa mga pautot niya, na pasayaw-sayaw. Kaya abot tenga ang ngiti ni Muhlach.

Showbiz Police, umaarangkada

LABAN din ang Showbiz Police nina Cristy Fermine, Direk Joey Reyes, Raymund Gutierrez at iba pang co-host nila. Laging may nagsasabing tigbak na ang naturang show, pero ang maganda nito, solo talk show sila sa (TV5) every Saturday afternoon, kasi lumipat na ng Sunday afternoon ang Startalk nina Ricky Lo, Lolit Solis, Joey De Leon, at iba pa.

Nag-start na si Bianca King, ang new contract star ng TV5 sa kanyang  Obsession. Triple rin ang akyat ng mataas na daily show nina Gelli de Belen at Tin-Tin Bersola-Babao, ang Face The People. Pareho silang magaling na host kaya iniintriga sila, sino raw ang magaling mag-host? Grabe na rin ang mga news program nila, like T3 Reload ng Tulfo  Brothers—Erwin, Raffy, at Ben.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top